Ormin Ang bagong street food ‘on-wheels’ sa Or. Mindoro.

OrMin provincial administrator, PCDO, binisita ang SFOA

June 10, 2023 Jojo C. Magsombol 364 views

ORIENTAL Mindoro – Binisita ni Provincial Administrator Dr. Hubbert Christopher A. Dolor kasama si PGDH-PTIEDO at Provincial Cooperative Development Office (PCDO) Officer-in-Charge (OIC) Orlando Tizon ang mga miyembro ng bagong Street Food On-Wheels Association (SFOA) na pinamumunuan ni President Socorro Goda-Alinea.

Matatandaang patuloy na inaalalayan ng Pamahalaang Panlalawigan na pinangungunahan ni Governor Bonz Dolor at Vice Governor Ejay Falcon ang iba’t-ibang organisadong asosasyon upang tulungan na mapalakas ang kanilang puwersa at upang magkaroon ng mas matibay na sandigan sa patuloy na pagbuhay sa kanilang sektor.

Ang mga maliliit na negosyante (street food on-wheels association members) ay nagpapasalamat sa kabuuan ng Pamahalaang Panlalawigan lalo na sa ehekutibo at lehislatibong sangay nito na magkatuwang sa pagsasakatuparan ng proyektong “Plaza Del Gobernador: Liwasan ng Mamamayan” na ngayo’y nagiging dahilan ng kanilang pagkakataong mas tangkilikin ang kanilang mga paninda na sinisiguro naman ng kanilang samahan na “malinis” at “safe” ang pagkain nilang itinitinda.

Ayon naman kay Goda-Alinea, may opisyal ng kanilang asosasyon ang nakatutok para sa mga inspeksyon upang tiyaking nasusunod ang kalinisan at kaayusan ng kanilang pagtitinda sa itinalagang lugar para sa kanila.

Ngayong inaagapayan sila ng Kapitolyo natitiyak aniya nilang magiging epektibo at patuloy na lalago ang kanilang mga munting negosyo.

Samantala, sinabi naman niyang nakatuon sila sa pagpapalakas ng kanilang samahan lalo pa’t solido silang inaagapayan ng puwersa ng PCDO.

AUTHOR PROFILE