Dolor

OrMin Gov. Bonz pang-9 sa survey

December 5, 2024 Jojo C. Magsombol 234 views

NASA pang-9 na puwesto si Mindoro Oriental Gov. Bonz Dolor sa hanay ng mga mahuhusay na gobernador sa bansa base sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Nakakuha si Governor Bonz ng 81.1% job performance rating.

Naging batayan sa evaluation ng pagganap ng mga punong ehekutibo sa kanilang mga tungkulin.

Kabilang dito ang anim na key performance indicators: pamumuno at pamamahala, pag-unlad ng ekonomiya at imprastraktura, serbisyong panlipunan at pampubliko, kaligtasan at seguridad ng publiko, pamamahala at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran at maayos na pakikipag-ugnayan sa publiko.

Nagpahayag ng pasasalamat si Gov. Bonz sa RPMD dahil sa natanggap na pagkilala.

Binati ni Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst and Executive Director ng RPMD, ang mga gobernador na napabilang sa national ranking.

AUTHOR PROFILE