Organizers ng Grand BINIverse concert may advisosy dahil sa bagyo
DAHIL sa inaasahang pagtama ng Bagyong Pepito ngayong Linggo (Nob. 17), ang Grand BINIverse concert na nakatakda sana sa araw na ito, nagpadala ng isang mahalagang advisory ang organizers ng naturang pagtatanghal.
Ang naka-schedula na pagtatanghal ngayong Nobyembre 17 ay gaganapin na lamang sa Martes (Nob. 19) para anila masiguro ang kaligtasan ng fans ng BINI.
Ayon sa advisory, magagamit ang lahat ng Day 2 tickets sa Nob. 19 sa Araneta Coliseum. Sa mga hindi makakapunta sa Nob. 19, pwedeng makipag-ugnayan sa Ticketnet para sa refund.
At sa mga bumili ng iWantTFC passes para mapanood ang concert sa livestream, magagamit pa rin ang passes sa Martes (Nob. 19).
Magpapatuloy naman ang Grand BINIverse concert ngayon, Sabado (Nob. 16) at Lunes (Nob. 18). Bahagi ng kikitain mula sa Grand BINIverse concert ay ido-donate sa ABS-CBN Foundation para makatulong sa mga maaapektuhan ng bagyo.