Kathryn

Orange hair ni Kathryn, pinusuan ng netizens, kapwa celebs

December 5, 2023 Vinia Vivar 151 views

Matapos kumpirmahin ang breakup with Daniel Padilla last Nov. 30 sa Instagram, may bagong post si Kathryn Bernardo na talaga namang pinagkaguluhan ng netizens.

Sa nasabing post, makikita si Kath sporting a new hair. Pinakulayan niya ng orange ang kanyang buhok.

“I hope santa still recognizes me with orange hair,” ang maikling caption ng aktres.

Inulan ng papuri mula sa netizens at kapwa-celebrities ang new look ng aktres.

“Booogsh,” reaksyon ni Heart Evangelista.

“BEAUTIFUL,” komento naman ni Ivana Alawi.

“He would,” ani Sarah Lahbati.

Sey ni Jolina Magdangal, “ofcors pretty!!!!”

Sabi naman ni Chie Filomeno, “OO NAMAAAAN!!!”

Samantala, in fairness to KathNiel, kahit break na sila ay pina-follow pa rin nila ang isa’t isa sa IG unlike other couples na naghiwalay.

AUTHOR PROFILE