OPM icon Claire de la Fuente pumanaw na
ISA na namang malungkot na balita ang bumalaga kahapon nang umaga dahil sa maagang pagkamatay ng OPM icon na si Claire de la Fuente due to cardiac arrest. She was 62.
Si Claire ay discovery ng yumaong composer at dating executive ng Vicor Music Corporation na si George Canseco. Naging hurado noon si George sa isang school singing competition sa University of the East kung saan freshman student si Claire. He then introduced Claire to Vicor where she recorded a single pero after one single ay kinontrata siya ng Dyna Records kung saan niya ni-record ang kanyang signature hit song na “Sayang”. Pero bago pa man sumikat nang husto si Claire sa recording and entertainment industry, kinuha siya ni Canseco to record a jingle for Hope cigarettes.
Halos kapanabayan noon ng kasikatan ni Claire sina Didith Reyes, Imelda Papin at Eva Eugenio. Nang mawala sa eksena si Didith, sumipa nang husto ang kasikatan nina Claire, Imelda at Eva.
After “Sayang,” naging sunud-sunod ang mga hit songs ni Claire tulad ng “Nakaw na Sandali,” “Minsan-Minsan,” “Di Magbabago,” “Unang Pag-ibig,” “Ikaw ang Simula,” “Sa Dulo ng Landas,” “Kailangan Ko’y Ikaw” at iba pa.
Bukod sa pagiging isang sikat na mag-aawit, si Claire ay isa ring successful businesswoman at kasama na rito ang kanyang pagiging bus operator ng King of Kings Transport na naging daan ng pagkakahirang sa kanya bilang pangulo ng Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA).
Taong 2003 nang balikan ni Claire ang kanyang pag-aaral ng Transport Management sa PUP and took her masteral in business administration sa University of Western Australia nung 2005.
Nung 2008, she had the chance to work with the other half of The Carpenters na si Richard Carpenter sa kanyang international album na “In Your Eyes”. Naka-dueto rin niya ang American singer-songwriter na si Michael Bolton sa “The Christmas Song” na kasama sa kanyang Christmas album under Viva Records.
Claire was married to Moises `Boy’ de Guzman who passed away nung 2006. May dalawa silang anak, sina Gregorio (Gigo) at Gracielo na pareho na ring professional.
Bilang isang negosyante ay hindi nawala kay Claire ang mga problema at kasama na rito ang kanyang pagkaka-convict for tax evasion in July 2020 at ang pinaka-recent ay ang pagkakasangkot ng kanyang panganay na si Gigo sa pagkamatay ng PAL stewardess na si Christine Dacera nung nakaraang New Year’s day.
Nung nabubuhay pa si Claire, she will do anything and everything for her two sons. She has been a single mom to them magmula nang mawala ang kanyang asawang si Boy.
Sa pagyao ni Claire, mananatiling buhay sa puso’t isipan ng lahat ang mga awiting kanyang pinasikat nung late 70’s up the 80’s.
Paalam, Claire.