Bakal Nagsagawa ng ‘Oplan Bakal’ ang mga operatiba ng MPD Station 2 sa mga Videoke Bar sa kahabaan ng P. Rada, Tondo, Maynila sa pamumuno nina PSMS Gerardo Tubera, ng Dagupan outpost at P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, station commander, MPD Station 2. Kuha ni Jon-jon Reyes

‘Oplan Bakal’ ikinasa bilang preparasyon sa 1st SONA ni PBBM

July 18, 2022 People's Tonight 480 views

MAYNILA – “Violators will face consequences that include suspension or even perpetual disqualification from owning a firearm, aside from criminal charges that would be filed against them,” ito ang madiing pahayag ni P/Major General Valeriano De Leon, PNP Director for Operations sa lalabag sa pinairal na gun ban bilang paghahanda sa unang State of the nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagsagawa ng “command conference” ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni P/Brig. Gen. Leo Francisco, district director ng MPD at pinulong ang kanyang mga kapulisan kabilang ang head staff, station commanders ng Station1 hanggang 14 at maging ang mga head unit tulad ng SWAT, DID, DPIOU, Mobile, at iba pang mga kawani ng MPD.

Mahigpit na ipinaalala ni P/Brig. Gen. Franciso na palaging magsagawa ng mga checkpoint operation at “Oplan Bakal” sa kani-kanilang mga area of responsibility (AOR) ng mga station commanders.

Sinabi din ni Francisco na paigtingin ang patrolling at roving operations at palaging naka-alerto habang nakaantabay ang mga operatiba ng SWAT, Mobile, at TMRU sa mga kalye ng nasabing lungsod.

Maging ang mga miyembro ng District Intelligence Division ay patuloy din sa kanilang mga follow-up operations sa pag-aresto sa mga wanted na kriminal tulad ng holdaper, snatcher at mga “most wanted” sa batas.

Dahil sa kautusan na rin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at National Capital Region Police Office (NCRPO), inatasan rin si Brig. Gen. Francisco matapos magbaba ng isang memo ang pambansang pulisya na maaaring maharap sa “perpetual disqualification” mula sa pagmamay-ari ng baril ang sinumang mahuhuling licensed gun owners na lalabag sa 6-day “gun ban” na ipapatupad sa National Capital Region (NCR) bilang bahagi ng seguridad para sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa PNP, sisiguraduhin nitong mapaparusahan ang mga lalabag sa gun ban alinsunod sa umiiral na rules and regulations.

AUTHOR PROFILE