Dotr

Opisyal ng DOTr ‘napahiya, nanigaw’

March 19, 2023 Jun I. Legaspi 441 views

SINIGAWAN umano ng isang opisyal ng Department of Tansportation (DOTr) ang mga kausap na big bosses matapos mapahiya sa isang transport group ng hindi mairehistro ang mga sasakyan nito.

Sa kwento ng mga saksi na kasama sa meeting, nagkaroon ng komosyon sa pulong na pinangunahan ng opisyal kaugnay sa nabigong uploading sa Land Transport Management System ng imported vehicle stock report inventory mula sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc.

Ipinaliwanag umano ng isa sa mga ka-meeting na hindi ma-upload sa LTMS ang report dahil sa kawalan ng Certificate of Stock Reports mula sa Bureau of Customs at iginiit na dedepende rin ang uploading sa haba ng imbentaryo.

Hindi umano tinanggap ng BoC ang mga transaksiyong ipinasa sa kanila.

Sa puntong ito, nagalit umano ang opisyal, at pinagsabihan ang mga big bosses ng mga contractor na wala sa lugar.

Ayon sa sources na kasama sa meeting hindi maipinta sa galit ang opisyal dahil napahiya ito sa transport group.

Ilang staff ng opisyal na nasa labas ng opisina nito ang nakarinig din sa komosyon.

AUTHOR PROFILE