eleazar Kuha ni JON-JON REYES

Operation Greyhound sa mga selda isinagawa ng MPD

July 12, 2021 Jonjon Reyes 192 views

NAGSAGAWA ng “Operation Greyhound” ang Manila Police District (MPD) Station sa pamumuno ni Police Lt. Col. Robert Domingo sa mga detention cell sa Port Area Baseco Compound.

Iniutos ni MPD Director Police Brig.General Leo M.Francisco ang operation ay isinagawa upang masigurong walang mga kontrabando kagaya ng mga illegal na droga, patalim at iba pang mga di kanais kanais na kagamitan sa nasabing kulungan.

Mahigpit ding ipinag-utos ni Brig.Gen. Francisco sa kanyang mga station commanders na palaging magsagawa ng nasabing operation sa kani-kanilang mga presinto upang maiwasan ang gulo sa loob ng selda at maging maayos ang mga inmates maging sa mga kababaihan na kulungan.

Ayon pa kay Brig. Gen. Francisco, ginagawa na nila ang pag-inspection sa mga selda noon pang panahon pa ni retired General Roberto “Boysie” Rosales.

Ang Operstion Greyhound mula Station 1 hanggang Station 14.

AUTHOR PROFILE