Underage

Online streaming at video-on-demand platform, may pakulo para sa influencers at content creators

December 7, 2022 People's Tonight 189 views

Ilulunsad ng FlexTV App ang kauna-unahang contest nito na “Search for the First FlexTV Star” sa December 15.

Magpapasiklaban at pagalingan ang mga influencer at content creator mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para maiuwi ang P500,000 prize money.

Maaari pang sumali. Kung ikaw ay may 1,000 o higit pang followers sa iyong social media accounts, pasok ka dito.

Mag-fill-out lang ng form: tinyurl.com/TheFirstFlexStar at i-download ang FlexTV app mula sa Google Playstore o App Store.

Gumawa ng account at mag-post ng limang audition videos. I-like na rin ang FlexTV Star Facebook page.

Ang FlexTV ay isang Filipino-owned online streaming and video-on-demand platform kung saan maaaring manood ng mga programa at sumuporta ng mga content at live streaming ng mga influencer, content creators o kahit na sino na mayroong account dito.

Layunin ng FlexTV na magkaroon ng platform para sa mga gustong magpakita ng kanilang galing sa kahit anong talento habang sila ay kumikita.

Lexi, Elijah at Hailey, inaabangan sa ‘Underage’

Marami nang naiintriga sa remake ng GMA Network sa 1980 cult classic ng Regal Entertainment na Underage.

Ready nang magbigay ng fresh twist sa istorya at mag-flex ng kanilang kaseksihan ang tatlo sa upcoming actresses ng Sparkle na sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes.

Makikita sa recent Facebook at Instagram posts ng Sparkle ang beauty ng mga bagong bida ng Underage.

Saad ng ilang netizens, “Ganda talaga ni Lexi Gonzales! Galing mo mareng Elijah, bida na ang role mo! Congrats, Hailey sa iyong big break!”

Abangan ang Underage sa January 2023 sa GMA Afternoon Prime. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE