Rosalino Pinangunahan ni PLt. Col. Rosalino Jhun Ibay, hepe ng SMaRT, at Levi C.Facundo, chief ng Bureau of Permits ng Manila City Hall, ang pagsalakay sa isang online shop sa Paco, Manila. Kuha ni JON-JON REYES

Online shop ni-raid, order na CP naging bato

September 28, 2021 Francis Naguit 481 views

SINALAKAY ng mga operatiba ng Manila Police District – Special Mayor’s Reaction Team ( SMaRT) na pinangungunahan ni P/ Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. kasama si Bureau of Permits chief Levi Facundo ang isang online shop sa Otis St., Paco, Manila, Martes ng hapon matapos magreklamo ang isa umanong customer nito.

Sa initial na ulat ni P/ Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD- SMaRT, bandang 12: 45 ng tanghali nang pasukin nila ang isang unit sa 1120 Residences sa P. Guazon St., Paco.

Bago umano ang raid sa nasabing lugar, nakatanggap ng reklamo ang isang ginang na diumano ay umorder ng cellular phone sa hindi na binanggit na pangalan na online shop.

Nang buksan umano ng ginang ang package, nanlumo ito dahil isang malaking tipak ng bato ang laman ng kahon.

Agad namang nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Bureau of Permits chief Levi Facundo na nagresulta sa pagkatuklas ng bulto ng mga parcel na naglalaman ng mga bato.

Agad ring nagsagawa ng operation at sinalakay ng mga awtoridad ang nasabing unit sa condominiu.

Kasama sa nasabing raid si Levi Facundo, hepe ng Bureau of Permits ng Manila City Hall.

Lubos naman ang pasasalamat ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno sa mabilisang actiin ng mga department head ng Manila City Hall partikular na ng SMaRT at Bureau of Permits. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE