Posas

Online seller nagbenta baril sa parak, arestado

August 18, 2023 Edd Reyes 398 views

ARESTADO ang isang 36-anyos na online seller at dalawang menor-de-edad niyang kasama matapos pagbentahan ng hindi lisensiyang baril ang isang pulis na nagpanggap na buyer Huwebas ng gabi sa Caloocan City.

Kaagad pinosasan ng mga tauhan ng Northern Police District Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na si John Paulo Gutierrez, ng 9th St. 11th Avenue, Grace Park, habang dinakip din ang dalawang 17-anyos na binatilyong umano’y kasabwat niya sa ilegal na gawain.

Nakumpiska kay Gutierrez ang P3,500 na markadong salapi at anim na P500 na boodle money at ang kalibre .38 revolver na kanyang ibinenta.

Nang dalhin sa tanggapan ng mga pulis sa tanggapan ng CIDG-Northern District sa Larangay St. ang mga suspek, doon na nakumpiska ang 15 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang sa 17.47 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P30.000.

AUTHOR PROFILE