Mendoza

Online driver’s license renewal anywhere sa OFWs, Pinoys abroad malapit na

August 3, 2024 Jun I. Legaspi 270 views

MALAPIT ng makapag renew ng driver’s license ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) saan man sa mundo pati mga Pilipino na naninirahan sa abroad kapag sinimulan ng Land Transportation Office (LTO) ang full digitalization ng serbisyo nito.

Pagtalima sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos, Jr. ang full digitalization para pabilisin ang lahat ng serbisyo ng gobyerno sa lahat ng mga Pilipino.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, layon ng full online renewal ng driver’s license na mapagaan ang proseso para sa mga OFWs sa pakikipagtransaksyon sa LTO.

“Tayo ay nagpapasalamat sa suporta ng ating DOTr Secretary Jaime J. Bautista upang maisakatuparan ang proyektong ito na siya namang bilin ng ating mahal na Pangulo to bring the government services closer to the people,” dagdag niya.

Para sa proyektong ito, sinabi ni Mendoza na nakikipagtulungan sila sa Department of Migrant Workers sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Hans Leo Cacdac para sa digitalization.

Sinabi ni Mendoza na magkakaroon ng paglulunsad ng online renewal ng driver’s license sa Taiwan sa Setyembre.

Ipinaliwanag niya na ang digitalization efforts ipapakita sa mga Pilipino sa Taiwan sa isang malaking selebrasyon.

“Hindi lang ito sa Taiwan, buong mundo na po ito at malaking tulong ito para sa ating mga kababayan because the driver’s license we issue is recognized worldwide,” ani Mendoza.

AUTHOR PROFILE