Olivia Newton-John yumao na

August 10, 2022 Aster Amoyo 130 views

THREE days matapos sumakabilang-buhay ang Filipino singer-actress na si Cherie Gil nung August 5, 2022 in New York City, USA dahil sa cancer, sumunod naman ang veteran British-Australian singer-songwriter, actress and entrepreneur na si Olivia Newton-John nung August 8, 2022 dahil sa kanyang lingering illness na breast cancer. She was 73.

Si Olivia ang nagpasikat ng hit songs na “Hopelessly Devoted To You, “ “Physical,” “I Honestly Love You,” ‘Xanadu,” “A Little More Love,” “If Not for You,” “Let Me Be There,” “If You Love Me (Let Me Know),”” Have You Ever Been Mellow,” “Please Mr. Please,” “Heart Attack,” “Summer Nights” and “You’re The One That I Love” (duet with John Travolta, his leading man sa kanyang biggest hit movie na “Grease” in 1978 at marami pang iba.

Ang soundtrack album ng “Grease” ay nakapaghatid ng tatlong major hit songs, ang “Summer Nights,” “You’re The One That I Want” na parehong duet nina Olivia at John at ang “Hopelessly Devoted To You”.

Bago siya nagpakasal sa kanyang unang husband ay matagal niyang naging partner ang movie producer na si Lee Kramer na siyang nag-produce ng kanyang fantasy-musical movie na“Xanadu” in 1980.

Si Olivia ay may nag-iisang anak na si Chloe Lattanzi sa kanyang unang husband, ang American actor-dancer na si Matt Lattanzi kung kanino siya nagpakasal in 1984 na nauwi sa divorce in 1995.

In 2008, she married American businessman and evinronmentalist, John Esterling pero hindi sila nabiyayaan ng anak.

Olivia was 14 when she formed an-all-girl group, Sol Four kasama ang kanyang high school classmates pero hindi ito nagtagal. At kasunod na rito ang kanyangvarious TV appearances in Australia.

Bunso sa tatlong magkakapatid, ang kanyang panganay na kapatid na si Hugh ay isang medical doctor at isa namang actress ang kanyang sinundang sister na si Rona na ang naging mister ay si Jeff Conaway na co-star ni Olivia sa pelikulang “Grease”.

Although nung 1990’s pa na-diagnose ang kanyang breast cancer, patuloy ang buhay kay Olivia maging sa kanyang singing and acting career hanggang sa tuluyan na siyang mamaalam nung nakaraang Lunes, August 8 sa kanyang tahanan sa Santa Ynez Valley in California, USA.

DarnaDarna1Darna ni Jane, papalit sa Ang Probinsyano

TAONG 2014 pa naging bahagi ang young actress na si Jane de Leon ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN pero ngayong 2022 lamang siya nailunsad into full stardom sa pamamagitan ng iconic role bilang Darna na nagmuntik-muntikanan pang hindi matuloy.

Nung nakaraang Lunes, August 8, pinangunahan ni Jane ang bumubuo ng cast ng bagong ‘Darna’at tatlong director na kinabibilangan nina Direk Chito Rono, Avel Sunpongco at Benedict Mique. Matutunghayan na ito simula Lunes, August 15 at 8 p.m.

May special participation dito ang actress na si Iza Calzado (as the mother Darna).

Si Zailian Jaranilla ang gaganap bilang nakababatang kapatid ni Darna/Narda at sidekick na si Ding habang si Joshua Garcia naman ang kanyang magiging love interest. Si Janella Salvador will be playing the role of Regina and Valentina. Playing support ay sina Rio Locsin (who played the role of Darna 43 years ago), Paolo Gumabao, Simon Ibarra, Richard Quan, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso, LA Santos, Joj Agpangan at iba pa.

Hindi nakadalo sina Joshua at Zaijian sa face-to-face presscon na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN pero nakasama sila via Zoom.

Ang “Darna” ay likha ng namayapang nobelistang si Mars Ravelo nung 1950 na nalathala sa Pilipino Komiks and Ace Publications. This was first made into a movie in 1951 sa pamamagitan ni Rosa del Rosario na sinundan ni Liza Moreno in 1963. Ang pangatlong Darna ay si Eva Montes nung 1965. Pang-apat naman si Gina Pareno in 1969.

Ang iba pang gumanap na Darna sa pelikula ay sina Vilma Santos (four times – 1973, 1974, 1975 and 1980), na sinundan ni Rio Locsin in 1979, Sharon Cuneta in 1986, Nanette Medved and Anjanette Abayari in 1994 at si Regine Velasquez in 2003.

Si Lorna Tolentino ang kauna-unahang gumanap na “Darna” sa telebisyon in 1977 bago sina Angel Locsin in 2005 at Marian Rivera in 2005.

Ang “Mars Ravelo’s Darna” ay siyang makakapalit ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na magtatapos ngayong Biyernes, August 12.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twtter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE