Regine

Ogie, Regine, Bianca at Yeng nag-goodbye sa ABS-CBN Tower

March 4, 2025 Vinia Vivar 166 views

Nakaka-touch ang post ni Ogie Alcasid sa Instagram kung saan ay namaalam sila ng asawang si Regine Velasquez sa tower ng ABS-CBN.

Nagbahagi si Ogie ng larawan nila ni Regine na nasa harap ng ABS-CBN Tower na kuha last Sunday. Nakasuot sila ng white T-shirt kung saan ay nakasaad kung kailan sila pumasok sa “ASAP.”

Batch 2017 ang nakatatak sa shirt ni Ogie at Batch 2018 naman kay Regine.

Caption ni Ogie, “We say farewell to a Tower of strength and a Tower that served the Filipino.”

Ang post na ito ay tila kumpirmasyon ng balitang lumalabas na gigibain na ang iconic transmitter dahil nabenta na ang malaking bahagi ng main ABS-CBN compound sa Ayala Land.

Nagpa-picture rin sina Bianca Gonzalez at Yeng Constantino sa ABS-CBN Tower suot ang kanilang white T-shirts at ipinost sa kani-kanilang social media accounts.

Caption ni Bianca, “I started hosting professionally in 2004 but my first ever job in ABS-CBN was in 2003, as a brainstormer and trainee writer. Sooo many memories in this space!!! 20 year old Bianca had no idea what was in store for her.”

Ang suot nilang white T-shirts ay para sa pagdiriwang ng 30th anniversary ng “ASAP” last Sunday.

B-DAY MESSAGE NA MALA-PROPOSAL

BiancaSa pagdiriwang ng kaarawan ni Bianca Umali last Sunday ay muling ipinagsigawan ni Ruru Madrid ang kanyang pagmamahal sa girlfriend.

Sa isang Instagram post, nagbigay ng madamdaming birthday message ang aktor na feeling nga ng ibang netizens ay wedding proposal na.

“To my number one cheerleader, my ultimate crush, and my greatest blessing—Happy Birthday, Mahal ko! @bianxa .

“Walang salitang sapat para maipahayag kung gaano ako nagpapasalamat sa’yo… Ikaw ang liwanag ng buhay ko, ang inspirasyon ko sa bawat araw, at ang dahilan kung bakit ako patuloy na nagsisikap maging mas mabuting tao. Simula nang dumating ka, nag-iba ang mundo ko — mas naging makulay, mas naging makahulugan. At habang buhay kong ipagpapasalamat sa Ama na ikaw ang ibinigay Niya sa akin.

“Napakapalad ko dahil ikaw ang kasama ko sa buhay — ang babaeng pinakamamahal ko, iniidolo ko, at pinapangarap kong makasama magpakailanman. Pangako ko, iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iningatan at minahal ang akin. Sa’kin ka lang, at ako’y sa’yo, hindi lang ngayon kundi sa habang panahon.

“Anuman ang pagsubok, anuman ang dumating, pipiliin at ipaglalaban kita sa bawat araw, sa bawat pagkakataon. Magkasama nating tutuparin ang lahat ng pangarap natin, dahil walang imposible basta magkasama tayo.

“Mahal na mahal kita, higit pa sa kaya kong ipakita o iparamdam. Ikaw ang buhay ko,” ang buong nilalaman ng birthday message ni Ruru for Bianca.

Super-kilig naman ang mga RuCa fans at ramdam na ramdam daw nila ang umaapaw na pagmamahal ng dalawa sa isa’t isa.

AUTHOR PROFILE