Ogie

Ogie may kuda kay Pura Luka Vega

August 18, 2023 People's Tonight 233 views

DAHIL sa kawalang respeto sa Diyos,’ iyan ang naging reaksyon ng talent manager na si Ogie sa pagkakadeklarang persona non grata ng drag queen na si Pura Luka Vega.

Sa X post ni Ogie, sinabi niyang kawalan ng respeto umano ang dahilan kung bakit ilang lugar sa Pilipinas ay idineklarang persona non grata si Pura Vega.

Hinikayat pa niya, na sana ang mga politicians din ay may takot sa Diyos at iwasan ang anumang pangungurakot sa kanilang trabaho.

“Dami nang nag-declare na persona non grata si Pura Vega dahil sa kawalang respeto sa Diyos. Sana lahat din ng politicians, God fearing and hate corruption,” sey ni Ogie.

Matatandaang hindi lamang religious group ang nainsulto sa performance ng drag queen, kung ’di pati na rin ang mga pulitiko at mga netizens.

Bukod sa Maynila, Bukidnon, General Santos City sa South Cotabato, Cagayan De Oro, Pampanga at marami pang ibang lugar ang idineklarang persona non grata ang drag queen.

AUTHOR PROFILE