Regine

Ogie, hirap na ’di nakikita si Regine

August 15, 2022 Vinia Vivar 113 views

Panay ang update ni Ogie Alcasid sa kanyang social media accounts sa kanyang kalagayan ngayon.

Matatandaang inanunsyo ng singer/songwriter last Sunday na nag-positibo siya sa COVID-19, dahilan para hindi na siya makasipot pa sa live airing ng ASAP Natin ‘To.

As of yesterday, ayon sa bagong update ni Ogie ay nakakalasa naman siya at ibinahagi sa kanyang followers ang kanyang lunch.

“Just had tinola. Yummmmm!!! Walang tatalo sa tinolang manok with super extra luya. Mismo. Ty Lord nakakalasa pa,” tweet ni Ogie.

‘Yun nga lang, ang mas nagpapahirap sa kanya ngayon ay hindi niya nakikita ang misis na si Regine Velasquez since naka-quarantine nga siya.

“Hardest part of isolation is not seeing My wife f2f,” tweet niya.

Pinalakas naman ang loob niya ng kanyang followers at sinabihang konting tiis lang at gagaling na siya.

MALAKAS ANG CHEMISTRY

Malakas ang chemistry ng tambalan nina Elijah Canlas at Maris Racal bilang Dos at Trina sa TV5 movie serye na Suntok sa Buwan kaya maraming viewers ang kinikilig sa kanila.

Patok din ang love triangle nila kasama ang karakter ni Barok na ginagampanan ni Paulo Angeles.

Lalong nagkakalapit at nagkakamabutihan ng loob sina Dos at Trina at nagseselos naman si Barok. Kaabang-abang kung malalaman na ba nina Dos at Trina sa rooftop na sila ang magkausap sa gabi.

Intense rin ang mga eksena ng laban sa boxing ni Dos. Gagawin nya ang lahat para matulungan ang ama niyang si Jimmy Boy (Aga Muhlach) na makalabas sa kulungan.

Malaki ang premyong P50,000 na puwede niyang mapanalunan sa susunod na laban niya at makakatulong itong pambayad sa abogado at pambili ng gamot ng ama.

Ang tanong, manalo kaya siya sa laban? Ilan lang ito sa mga nakaka-excite na mga eksena sa Suntok sa Buwan, na mapapanood tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 7:30 p.m., sa TV5.

EMOSYONAL NA PASASALAMAT

Hindi napigilang maging emosyonal ng bida ng Mars Ravelo’s Darna na si Jane de Leon habang nagpo-promote sa ASAP Natin ‘To last Sunday.

Pagkatapos nga naman kasi ng ilang taong paghihintay, finally ay napapanood na ang seryeng pinaghirapan nila.

Aminado si Jane na talagang kinakabahan siya sa pagsisimula ng Darna at napaiyak habang nagpapasalamat sa mga nagtiwala sa kanya at sa mga taong kasama niya sa pagbuo ng serye since 2019.

“Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat po ng nagmamahal at sumususuporta po sa Darna at sa lahat ng nagtitiwala po sa akin hanggang sa huli.

“At siyempe, gusto ko pong magpasalamat kina Tita Cory (Vidanes), kina CLK (Carlo Katigbak), kina Direk Lauren (Dyogi), kina Sir Mark (Lopez) at siyempre po sa mga boss na nandiyan po para sa akin simula po nu’ng 2019,” emosyonal na sabi ni Jane.

Pagkatapos ay umiiyak pa rin siyang nagbigay ng mensahe sa kanyang ina.

“Mama, ‘eto na po. Unti-unti ko na pong natutupad ‘yung pangarap natin,” aniya.

Nagbigay din si Jane ng mensahe sa namayapang ama.

“Papa, para sa ‘yo ‘to!” aniya habang nakatingin sa taas.

Kagabi nagsimulang lumipad si Darna sa telebisyon.

AUTHOR PROFILE