Ogie hindi raw nagpapa-corny, JC nagpasalamat
MULING pumirma ang OPM icon na si Ogie Alcasid ng exclusive contract sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4.
Natutuwa si Ogie (na dating Kapuso) sa tuwing natatawag siyang Forever Kapamilya.
“Kapag sinabing Kapamilya ka ang sarap sa puso and I mean that. It comes with feeling the honor, the distinction, and the privilege to serve. Ang sarap ng pakiramdam maging Kapamilya forever.
Thank you so much for the trust and let’s keep doing it,” saad niya.
Mapapanood pa rin siya sa “It’s Showtime” at “ASAP.” Ayon sa kanya, iba ang nararamdaman niyang saya sa tuwing humaharap siya sa kamera para sa dalawang programa.
“Nararamdaman ko yung joy kapag naririnig ko na yung ‘Papapa papa Rapa papapa…’,” aniya. “Hindi ako nagpapa-corny or nagdra-drama dito but there is this energy that I feel and sense of gratitude when you see the smiles of the madlang people and of course what the program has gone through. It is the spirit you cannot deny. Sa ASAP din when I’m singing with my friends and my wife (Regine Velasquez) and with people who are extremely gifted with singing and generous with their gifts. We always say that we are in service of the Filipino and that it is true to its core,” sabi niya.
Kasabay ni Ogie sa muling pagpirma ng exclusive contract sa ABS-CBN ang versatile actor na si JC de Vera. Nagpapasalamat din siya nang labis sa pagtitiwala ng network at patuloy na pagbibigay nito ng oportunidad sa kanya.
Ani JC, “I want to take this time to tell everyone how thankful and grateful I am for this day. Sa ABS-CBN kasi kineep pa rin ako. They will be needing my services pa rin. I just want everyone to know that I am still growing as an actor. Alam mo na patuloy pa rin tayong binibigyan ng magagandang opportunities. I am still challenged and motivated.”
Dagdag pa niya na simula nang maging Kapamilya siya ay kaliwa’t kanan siyang binibigyan ng roles na tumulong sa kanyang maging mas mahusay bilang isang aktor.
“Ever since naging Kapamilya ako palagi akong tinetest ng network na gumawa ng roles outside of my box. Masasabi ko talaga na during my stay dito sa ABS-CBN, wala akong ginawang hindi challenging,” sabi niya.
Dapat daw abangan ng publiko ang susunod niyang gagawin na kakaiba raw sa mga dating na niyang nagawa.
Kasama nina Ogie at JC sa “Forever Kapamilya Network Contract Signing” event sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, group chief financial officer Rick Tan, TV production head Laurenti Dyogi, at ang manager nila na si Rey Lanada.