Ogie clueless sa pagkatsugi ng ‘It’s Showtime’ sa GMA
Maging si Ogie Alcasid ay hindi alam kung true ang lumalabas na balitang hanggang December na lang mapapanood ang “It’s Showtime” sa GMA-7.
Ang tsismis nga kasi ay magtatapos na sa Disyembre ang kontrata ng nasabing noontime show sa Kapuso network.
Nang makausap namin si Ogie sa mediacon ng kanyang upcoming concert na “OgieOke 2 Reimagined” ay isa ito sa mga naitanong sa kanya.
“’Di ko alam, eh. I think, wala namang may alam. But it’s hanging in the air. So, siyempre, lahat kami… sanay na kami,” aniya sabay-tawa.
“Bahala na,” dagdag niya.
But he has high praises for GMA at sey nga niya, “In fairness talaga sa GMA, talagang pinaglaban nila kami. Especially Ma’m Annette (Gozon-Valdes, GMA top executive). Very welcoming, alam naman namin ‘yan nu’ng Ball,” he said.
Very thankful din siya sa pagtanggap ng GMA sa kanilang show na, of course, walang mag-aakala talagang magiging posible pala. Siyempre, wish nila na magtagal pa but if not, tuloy pa rin ang buhay.
“I’m just blessed to be part of that history and hopefully, we can do it longer. Otherwise, life goes on,” he said.
So, hindi totoo na six months lang ang contract?
“I don’t know, I’m not privy to the dealings. Naririnig ko but I don’t know,” aniya.
Samantala, super excited si Ogie sa “OgieOke 2 Reimagined” dahil nami-miss na umano niya ang magkaroon ulit ng concert.
For the past months kasi ay puro pagpo-produce ng concert ng ibang artists ang kanyang pinagkaabalahan.
Gaganapin ang “OgieOke 2” sa Nov. 30 sa Newport Performing Arts Theater. Kasama niya sa concert as guest ang BINI at sina JM dela Cerna at Marielle Montellano.
Ididirehe ito ni Paolo Bustamante habang musical director naman si Bobby Velasco.
BAYANIHAN TRUCK PARA SA BICOL REGION
Nagpaabot na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ng tulong para sa mga kababayang hinagupit ng bagyong Kristine sa Bicol region.
Sa Facebook live ni Sen. Bong, ipinakita niya ang bayanihan truck na punong-puno ng relief goods na bumiyahe na patungo sa mga kababayang sinalanta ng bagyo.
Unang bibigyan ng tulong ang mga taga-Naga na isa sa mga matinding tinamaan ng bagyo.
Ayon kay Sen. Bong, nakadepende ang paghahatid ng tulong sa lagay pa rin ng panahon at kung passable na ba ang mga kalsada at tulay doon.
Marami kasi aniyang tulay at kalsada ang sinira ng mga landslide at umagos na lahar dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ni Kristine.
May inaayos pa raw na relief packs ang kanyang tanggapan para naman sa iba pang mga lugar na tinamaan rin ng bagyo.
Umapela rin si Sen. Bong sa mga kaibigan at sa publiko na tumulong sa bayanihan para sa mga kababayan na nawalan ng tahanan at ari-arian dahil sa bagyo.