Ana Ang pinakabagong feature ng OFBank mobile banking app, ang Digital Card Verification Value, ay idinisenyo para siguruhin ang convenience at proteksyon ng mga cardholder mula sa online fraud at theft.

OFWs may dagdag-proteksyon vs online scam

November 18, 2022 People's Tonight 152 views

Sa digital Card Verification Value (CVV) ng OFBank

LALO pang pinalakas ng Overseas Filipino Bank (OFBank) ang proteksyon para sa mga account holder nito laban sa mga online scam sa pamamagitan ng digital Card Verification Value (CVV).

Ang digital CVV na sinimulan nitong Oktubre 2022 ay nagpapalakas pa sa seguridad ng cashless transactions sa OFBank mobile banking app.

Ang pinakabagong feature ng app ay dinesenyo upang magbigay sa mga OFBank account holder ng higit na peace of mind sa kanilang online transactions. Napapanahon ito lalo na ngayong inaasahang mas dadalas ang kanilang online shopping dahil sa kapaskuhan. “Nakatuon ang OFBank sa pagpapa-igting ng data security ng aming mga kliyente habang gamit nila ang aming mobile banking app para sa kanilang online transactions. Sa pamamagitan ng digital CVV, higit na protektado sila laban sa mas dumaraming online scams at cybersecurity threats. Bukod pa dito, mas convenient ang digital CVV dahil accessible ito online at hindi na kailangang nasa harap o hawak mo ang physical debit card,” pagbibigay-diin ni OFBank President & CEO Leila Martin.

Sa physical debit o credit card, karaniwang naka-print sa likod nito ang CVV. Layon nito na siguraduhing ang taong bumibili gamit ang card ay ang totoo, tama, at legal na may-ari ng card. Pinapayo na ang may-ari ng card lamang dapat ang nakakaalam ng CVV. Gaya ng physical cards, ang digital CVV ay may algorithm ng bangko na nagbibigay ng account number, expiration date, data encryption standard (DES) keys, at isang three-number service code. Ngayong digital na ang CVV, sa OFBank mobile banking app makikita ang lahat ng mga detalyeng ito na kailangan para makapagsagawa ng e-Commerce transactions saanman o kailanman.

Bilang subsidiary ng LANDBANK, layon ng OFBank na makapagbigay ng ligtas, maaasahan, at secure na digital banking experience para sa mga Pilipino mula sa pinaka-unang hakbang ng account opening. Sa pamamagitan ng digital account opening platform nito, madaling makakapagbukas ng OFBank account ang mga Pilipino sa loob o labas man ng bansa. Hindi kailangang magtungo sa isang physical branch ng bangko dahil ang app ay downloadable mula sa Google Play Store at App Store – at lahat ng kailangang impormasyon at dokumento ay maaaring ipasa online.

Ang proseso ay ligtas at secure. Gumagamit ang platform ng artificial intelligence para mapadali ng proseso ng electronic know-your-customer (e-KYC) na ma-verify at mapatunayan na ang mga impormasyong binigay sa pag-a-apply ng account ay tama at nasa ayos. Ang mobile banking app ng OFBank ay mayroon ding advanced encryption at security technology para maprotektahan ang mga sensitibong impormasyon.

Ang OFBank ay ang unang branchless, digital-only na bangko na lisensyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at ang opisyal na digital bank ng gobyerno ng Pilipinas. Nag-aalok ito ng retail internet banking, remittance services, loan, alternative payment channels, at investment tools – hindi lamang sa overseas Filipinos kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya at ibang pang beneficiaries saan man sa mundo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.ofbank.com.ph/

AUTHOR PROFILE