Official entries kanya-kanyang paandar sa MMFF50 media/fan con
KANYA-KANYANG paandar ang official entries ng 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival sa katatapos na grand media and fan con sa Quantum Sky View ng Gateway 2.
Hosted by Enchong Dee and JaiHo, nagsidalo rito ang representatives ng bawat entry, pati na sina MMDA Chief Atty. Roman Artes, Mowelfund director at MMFF selection committee head Boots Anson-Rodrigo, Direk Laurice Guillen, Veana Forres ng Araneta Group at marami pang iba.
Isa-isang nag-promote ng entries sina Carlo Aquino at Direk Jason Paul Laxamana ng pelikulang “Hold Me Close,” Sid Lucero at Jojo Oconer (APT Entertainment exec) ng “The Kingdom,” Sid, Sylvia Sanchez at Enchong Dee ng “Topakk,” Elijah Canlas, Mylene Dizon, Direk Dan Villegas at Bryan Dy ng “Uninvited,” Seth Fedelin, Francine Diaz, Direk Cris Aquino at Roselle Monteverde ng “My Future You,” Direk Pepe Diokno at Ricky Lee ng “Isang Himala,” Judy Ann Santos, Eugene Domingo, Chanda Romero at Atty. Joji Alonso ng “Espantaho,” Direk Jun Lana at Gladys Reyes ng “And The Breadwinner Is…” at Dennis Trillo ng “Green Bones.”
Nagpaulan ng asul at dilaw na pekeng peso bills ang team “Uninvited” kapalit ng cash prizes. May pa-raffle rin ang grupo ng “The Kingdom” at “Hold Me Close.”
\Ni-level pa ng Viva Films ang papremyo sa mga manonood ng Carlo-Julia Barretto starrer dahil bukod sa pamimigay ng gift certificates ng Boteyju sa media/fan con, eh, may pagkakataon ding manalo ng trip to Japan for two ang masusuwerteng manonood ng “Hold Me Close” ngayong holiday season.
“‘Yung mechanics po makikita n’yo sa social media ng Viva, abangan n’yo na lang po. Maraming, maraming salamat!” sey ng mister ni Charlie Dizon.
Mapapanood na sa mga sinehan ang official entries sa MMFF50 simula December 25.