Default Thumbnail

‘Ocular inspection’ sa BoC, pinangunahan nina Sen. Win Gatchalian, Sen. JV Ejercito,

December 14, 2022 Vic Reyes 181 views

Vic ReyesKAMAKAILAN ay nagsagawa ang dalawang senador at iba pang opisyal ng Senado ng “ocular inspection” sa mga tanggapan ng Bureau of Customs (BoC) sa Port Area, Manila.

Ang inspeksyon at “walk-through” ay pinangunahan nina Senador Sherwin “Win” Gatchalian at Joseph Victor “JV” Ejecito ng Senate commitee on ways and means (CWM).

Kasama rin sa “ocular inspection” ang mga opisyal ng Senate Tax Study and Research Center (STSRC).

Pinangunahan ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang inspeksyon at walk-through sa Customer Care Center, X-ray Inspection Progrm (XIP) at Customs Operation Center.

Ang iba namang customs officials ay nagsagawa ng briefing sa mga taga-Senado tungkol sa ibat-ibang programa ng ahensya na nasa ilalim ng Department of Finance.

Ito ang mga Customs Processing Systems, BoC Dashboard, Electronic Value Reference Information System (eVRIS), Philippine Customs Modernization Program at the Authorized Economic Operator Program.

“The BoC has implemented 91 percent of its processes, launching six additional digitalization projects,” ayon sa press statement ng ahensiya.

“On this day, we open ourselves to the constructive feedback of the CWM and the STSRC in hopes of further improving our facilities and reaching our goals,” ayon kay Ruiz.

Isa sa goal ng mga taga-BoC ay maging “modernized and credible customs administration among the world’s best.”

Sa tingin ng marami ay matatamo ng BoC ang kanilang minimithi sa pangunguna ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

***

Hindi rin nagpapahuli ang Bureau of Customs (BoC)-Port of Legazpi sa Sorsogon kung ang pag-uusapan ay ang kampanya ng gobyerno laban sa ismagling.

Kasama ang Philippine Coast Guard (PCG)-Sorsogon, ang mga taga-BoC ay nakasakote ng 31 bales ng ukay-ukay at 10 bales ng used shoes sa Matnog, Sorsogon.

Ang mga kontrabando ay nakasakay sa isang van na galing ng Manila at papuntang Catarman, Northern Samar.

Inaasahang mag-iisyu ng warrant of seizure and detention (WSD) ang BoC laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 at RA No. 4653.

Pinuri ni acting Port of Legazpi Distric Collector Arthur Sevilla Jr. ang PCG-Sorsogon “for its valuable contribution in the joint operation.”

Ang collection district, ayon kay Sevilla, “is committed to fulfill BoC’s mandate to strenghen border protection in line with President Marcos’ order to stop all forms of smuggling.”

Kitang-kita naman na all-out support ang BoC sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na pagpasok ng mga kontrabando sa Pilipinas, lalo na ang iligal na droga at produktong agrikultura.

Kailangang matigil na ang ismagling dahil mahihirapang bumangon ang ating lugmok na ekonomiya kung patuloy na mamamayagpag ang mga ismagler.

Alam ‘yan ni Pangulong Marcos at Commissioner Ruiz kaya ganoon na lang ang kanilang pagpupursige na habulin ang mga “economic saboteur” na ito.

Hindi ba, Vice President at Education Secretary Sara Duterte?

***

Sana naman wala ng pumasok na bagyo sa ating bansa bago matapos ang taon.

Kung may papasok mang sama ng panahon sana ay hindi na ito magdulot ng pighati sa taumbayan dahil talaga namang hirap na tayo, lalo na ang mga mahihirap.

Isa pa, baka wala ng maibigay na ayuda ang gobyerno dahil ubos na ang pera ni Juan dela Cruz kaugnay sa patung-patong na problemang dulot ng COVID-19.

Kaya huwag na tayong maging pasaway. Lagi tayong sumunod sa mga health at safety protocols na ipinapatupad ng gobyerno para hindi tayo magkasakit.

Hindi lang sa coronavirus disease tayo mag-ingat. Nandiyan pa rin ang dengue, leptospirosis, cholera, TB, trangkaso at iba pang sakit na usong-uso sa bansa pag panahon ng tag-lamig.

Tama ba Health Undersecretry Ma. Rosario Vergeire?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE