OCD ALERTO SA EPEKTO NI ‘AMANG’
NAKAALERTO na ang Office of Civil Defense (OCD) sa posibleng epekto ng Tropical Depression Amang sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sinabi ni OCD spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, posibleng itaas nila sa red o blue ang alert status ng operation center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Bahagi aniya ito ng preparasyon para sa pananalasa ni Amang na huling namataan sa 475 kilometro ng silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.
Magsasagawa din aniya ang OCD ng pre-disaster risk assessment upang malaman ang kahandaan ng mga apektadong rehiyon at probinsya.
Makikipag-ugnayan din ang OCD sa iba’t ibang ahensya upang masiguro ang availability at pre-positioning ng response assets at relief items para sa mabilisang deployment at distribution.
“Other measures also include close coordination with all concerned member-agencies, ensuring the availability and pre-positioning of response assets and relief items for immediate deployment and distribution,” pahayag ng opisyal.
Patuloy din anila niyang babantayan ang pagkilos ni Amang upang makapagbigay agad sila ng warnings at updates sa publiko.