Phivolcs

Occ Mindoro niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

December 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 140 views

Intensity IV ramdam sa Makati, QC

NIYANIG ng 5.9 magnitude na lindol ang southeast ng Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol ay naramdaman dakong 4:23 ng hapon .

Ang lindol ay may tectonic origin ay may lalim na 79 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V ng lindol sa Lubang, Occidental Mindoro at Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Intensity 4 naman ng naramdalam sa Makati City, Quezon City, Taguig City, Malolos City, Meycauayan City, Obando at Plaridel sa Bulacan; Floridablanca sa Pampanga; San Jose Batangas at Tagaytay City sa Cavite.

Intensity III ang naramdaman sa Caloocan City, Pasig City, Cuenca at Talisay sa Batangas; Bacoor City at General Trias sa Cavite; Rodriguez sa Rizal at Mamburao, Occidental Mindoro.

Umabot sa Intensity 2 ang naramdamang pagyanig sa Marikina City at San Jose Del Monte, Bulacan; Gabaldon , Nueva Ecija; Lucban , Quezon; San Mateo, Rizal at Odiongan, Romblon.

Intensity 1 sa San Fernando Pampanga, San Pedro Laguna at Mauban, Quezon.

Inaasahan ang pagkakaroon ng aftershocks.

Patuloy pang inaalam ng Phivolcs kung gaano kalawak ang pagyanig at kung ano-anong mga lugar ang nakaramdam nito.

Sa Quezon City, pinababa ang mga estudiyante ng isang private school sa Fairview dahil sa lakas ng pagyanig.

Pansamantala ding ipinatigil ang biyahe ng mga train sa MRT-3 dakong 4:26 ng hapon .

Pinababa rin ang lahat ng emplayado ng Senado sa Pasay City gayundin ang mga mga empleyado na nasa matataas na gusali sa Makati. Nina ZAIDA DELOS REYES & MELNIE RAGASA-JIMENA