Default Thumbnail

Occ. Mindoro niyanig ng 5.2 magnitude lindol

April 29, 2023 Zaida I. Delos Reyes 138 views

NIYANIG ng magnitude 5.2 na lindol ang Occidental Mindoro nitong Sabado ng hatinggabi.

Sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol na may tectonic origin at may lalim na 74 kilometro ay matatagpuan sa 19 kilometers southeast ng bayan ng Looc town.

Naramdaman ang Intensity V ng lindol sa Sablayan at Rizal Occidental Mindoro; Intensity IV sa San Jose at Paluan, Occidental Mindoro, Puerto Galera, San Teodoro at Calapan City sa Oriental Mindoro.

Naramdaman din ang Intensity III ng lindol sa Manila, Las Piñas; Lipa City at Batangas City sa Batangas; Abra De Ilog at Lubang sa Occidental Mindoro; at Alfonso, Cavite.

Intensity II naman ang naitala sa Quezon City at iba pang lungsod sa Metro Manila tulad ng Pasig, Marikina, Makati at Valenzuela; Bacoor City sa Cavite at Looc sa Occidental Mindoro.

Nasa Intensity I naman ang naramdaman sa General Trias City sa Cavite.

Wala namang naitalang pinsala sa mga kagamitan ang lindol sa mga lugar na apektado bagamat inaasahan ang pagkakaroon ng aftershocks. Nina ZAIDA DELOS REYES at JUN I. LEGASPI