Denise Larawan mula sa IG/Denise Esteban

Obsession

January 7, 2025 People's Tonight 81 views

KUNG mayroon mang Vivamax actress na talaga namang hindi pinagsasawaan at kinaaadikan ng mga barako ng social media, isa na roon si Denise Esteban.

Para sa kanyang mga male fans, para bang ipinagbabawal na gamot ang sexy star, dahil bukod sa kanyang nakaka-high na alindog, malakas din ang tama ng kanyang kaseksihan sa kanila.

Sa isa nga niyang Instagram post pinapak ng titig ang katawan ni Denise dahil sa larawang ibinahagi niya.

Seductive ang awrahan ng bebot habang nakaupo sa isang vanity table. Suot ang lingerie, tagos sa screen ang hotness niyang dala sa netizens.

Mala-honey nga ang pagka-smooth at golden ng kanyang balat na tila mae-enjoy lasapin ng mga barako.

Maaaninag ang magandang kurba ng kanyang katawan at matatanaw sa malapitan ang kakinisan ng kanyang legs.

Walang pagdadalawang-isip na pinusuan ng netizens ang post ng Vivamax actress. Nilunod nga ng netizen sa papuri ang karisma ni Denise.

Naging pamilyar ang publiko kay Denise dahil sa kanyang mga pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kara Krus (2022), High (School) On Sex (2022), Halo-Halo X (2023), at Star Dancer (2023).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar