Obrerong ‘Akyat-Bahay’ member tiklo sa SACLEO sa Ermita

December 8, 2022 Jonjon Reyes 106 views

DAHIL sa walang tigil na operasyon sa pinaiiral na “One-Time, Big-Time,” nalambat ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 44-anyos na miyembro diumano ng “Akyat-Bahay Gang” makaraang masundan ang pinagtataguan at kinaroroonan nito sa Ermita, Maynila, Miyerkules ng hapon.

Ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Andre P. Dizon, ang suspek ay isang construction worker at naninirahan sa Balut, Tondo.

Base sa report ni P/Maj. Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Special Operation Unit (MPD-DSOU), pasado alas-3:05 ng hapon, nang makita ang suspek sa Natividad Lopez Street, Barangay 659 Zone 71 sa Ermita.

Dahil na rin sa direktiba ng MPD chief na pinaigting na “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation” (SACLEO) ay pinursige ni Purisima ang 24/7 operation kontra kriminalidad at paghahanap sa mga most wanted na suspect sa lungsod.

Inihain sa suspek ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Nimpa Cuesta-Vilches, ng Regional Trial Court Branch 48 sa kasong robbery in an inhabited place o “akyat-bahay” na may piyansang P24,000.

AUTHOR PROFILE