Obrero timbog sa pangmomolestiya ng 14-anyos na kapitbahay

April 2, 2022 Edd Reyes 135 views

INARESTO ng pulisya ang 30-anyos na obrero matapos pasukin sa loob ng silid ang 14-anyos na dalagitang kapitbahay na matagal na niyang pinagnanasaan Sabado ng madaling araw sa Navotas City.

Hindi na nakapalag si Reynaldo Buenviaje nang dakpin siya ng mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Dexter Ollaging dakong alas-3 ng madaling araw ng Sabado sa kanyang tirahan sa Anthurium St., Bgy. NBBS Proper, makaraang ireklamo ng ina ng Grade 9 na dalagitang estudyante na kanyang minolestiyang seksuwal.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), lasing umano ang suspek nang puwersahang pasukin sa loob ng kanyang silid ang biktima dakong alas-3 ng madaling araw noong Biyernes.

Nang maalimpungatan ang dalagita, dito na tinakpan ng suspek ang kanyang bibig at sa pamamagitan ng pananakot, inatasang hubarin ang kanyang damit pang-ibaba bago sinimulang molestiyahin.

Maging ang pang-itaas na damit ng biktima ay puwersahan ding ipinahubad ng suspek bago inatasan din siyang magsagawa sa kanya ng “oral sex”.

Nang makakita ng pagkakataon ang dalagita, nagtatakbo siyang palabas ng silid kaya’t napuwersang kumaripas ang suspek.

Nang isumbong ng biktima sa kanyang ina ang ginawa ng manyakis na kapitbahay, kaagad silang humingi ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Kasong statutory rape ang inihaing kaso ng pulisya laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE