Crime

Obrero pinalamon ng bala habang umiinom

August 13, 2023 People's Tonight 127 views

ISANG lalaki ang patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay habang umiinom ng alak Sabado ng gabi sa Bgy. San Miguel, Ramon, Isabela.

Matapos ang nangyaring krimen, nagtungo ang anak ng biktima sa mga pulis para i-report ang sinapit ng kanyang ama matapos nila itong matagpuang wala nang buhay at may tama ng mga bala ng baril sa ulo.

Kinilala ang 57-anyos na biktima na si Harry Gaspar, ng Marquiz St. Purok 1, Bgy. San Miguel, Ramon, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Ramon Police Station, bandang alas 7:30 ng gabi nang mangyari ang krimen. Nakarinig na lamang diumano ang kanilang mga kapitbahay ng sunod-sunod na putok ng baril.

Tatlong basyo ng baril na caliber 45 ang natagpuan malapit sa lugar ng krimen.

AUTHOR PROFILE