EAMC

Obrero napisak ng pader sa QC

August 18, 2023 Melnie Ragasa-limena 240 views

ISA ang patay habang tatlong iba pa ang nasugatan nang gumuho ang isang kongkretong pader sa Quezon City Hall noong Huwebes ng gabi.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Rachell Erezo, 22, dahil sa tinamong pinsala sa katawan matapos maipit sa natumbang pader.

Sugatan naman ang mga kasamahan ng bikitma na sina Erwin Ramos, 33, Christian Josh Mamposte, 22, at Joshua Garcia, 23.

Ayon sa pulisya nangyari ang insidente pasado alas diyes ng gabi sa isang construction site sa Civic Center B Building ng Quezon City Hall.

May ginagawa umanong scenic elevator sa isa sa mga gusali sa loob ng compound ng city hall at naghuhukay ang mga biktima sa tabi ng isang pader nang gumuho ito.

Agad na dinala ng mga tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office ang apat na construction worker sa nasabing ospital pero namatay ang isa sa kanila.