Kulong

Obrero na shabu seller pa tiklo

August 12, 2023 Jonjon Reyes 116 views

SA kalaboso humantong ang dalawang lalaki, makaraang matimbog sa ikanasang buybust nitong Beyernes ng gabi sa Moriones St., Barangay 47, Tondo, Manila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr.,ang dalawang suspek na sina alyas ‘Boss Ryanflor,’ 39, at alyas ‘Mayor Al,’ 43, kapwa residente ng Tondo.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sargent Jimmy Joy Fajardo, Police Corporal, Ronel Salarda at iba pang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) bandang 11:00 ng gabi nang isagawa ng grupo ang isang buy bust na anging daan para maaresto ang dalawa.

Nahuli ang dalawa nang nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis.

Narekober din sa 2 suspek ang 3 piraso ng plastic na may shabu na may street value na P30,600.

AUTHOR PROFILE