Fransico

Oath-taking sa MPD

November 20, 2021 People's Tonight 91 views

Pormal na ibinigay ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Leo M. Franciso ang isang memento na Black Nazarene kay Police Maj. General Rhodel O Sermonia, Acting Chief of Directorial Staff ng Philippine National Police, matapos na dumalo ito bilang guest of honor at speaker sa isinagawang oath-taking ng Foreign National Keepers Network at ng Manila’s Finest Non Uniform Personnel Association Inc. sa MPD headquarters.

Kasabay nito, pinagunahan din ni Sermonia at Francisco ang pamamahagi ng mga tablet sa mga batang mag-aaral na lubos namang ipinag-papasalamat ng mga magulang ng mga batang nabiyayaan ng tablet, habang nakamasid naman sina PCol. Nicanor Salvador, MPD-DDA; PCol. Raul Tacaca, MPD-DDO; at PCol. Arnold Tomas Ibay, CDDS ng MPD. Kuha ni JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE