Zanjoe1

Nursery ng baby nina Ria at Zanjoe, handang-handa na

September 10, 2024 Vinia Vivar 77 views

Ilang linggo na lang at manganganak na si Ria Atayde sa first baby nila ni Zanjoe Marudo.

Ayon kay Ria sa video na ipinost ng isang cleaning company sa Instagram, inaasahan nila ang kanyang panganganak in a month or less. Nagbigay din siya ng ilang detalye tungkol kay Baby Marudo.

“He’s really big, like we’re expecting a little over 7 pounds or more. We are expecting Baby Marudo very very soon, maybe in a month or less,” aniya.

Pinuri rin ng aktres ang mister sa pagiging supportive hubby na talagang religiously ay sinasamahan siya sa pagpapa-check-up.

“It’s a lot of hard work. Zanjoe has been the most supportive throughout this process. He has never missed an appointment at the doctor. Every type of support that I can think of, physically and mentally and emotionally, he’s just there,” aniya.

Ipinasilip din ni Ria ang nursery room ng kanilang parating na anghel. Halos kumpleto na nga ito ng mga gamit na karamihan daw ay gift ng friends nila plus tinulungan din sila ng mom and dad niya.

Kamakailan ay na-reveal na nga na ang gender ng first baby nina Zanjo ay Ria ay boy kaya naman Baby Marudo ang tawag nila rito sa ngayon.

AUTHOR PROFILE