Angelica

Nursery, ipinasilip ni Angelica

May 17, 2022 Vinia Vivar 100 views

Aminado si Angelica Panganiban na bago siya nabuntis ay nawawalan na siya ng pag-asa dahil one year na silang nagta-try ng kanyang dyowang si Gregg Homan na makabuo ng baby.

“Alam ‘yan ng mga close friends ko. Na ‘pano ba? Ano bang sikreto? Ano bang mga dapat gawin?’” kwento ni Angelica sa latest YouTube vlog ni Meryll Soriano.

“Siyempre, ginawa namin ang mga dapat gawin, may mga doctors kaming kinausap, may mga pinainom na vitamins,” patuloy niya.

Pero lagi raw silang bigo na makabuo ng baby.

“’Nung mga pagdating siguro ng September ng 2021, last year, medyo napanghihinaan na rin ng loob. Ang bilis kong napanghinaan ng loob, ’di ba? Kakakita ko nang kakakita, parang monthly, ganyan, puro negative nang negative ‘yung nakikita mo du’n sa pregnancy test, then feeling mo naman, sinusunod mo naman lahat ng bilin ng doktor,” tsika ni Angge.

Para lang mabuntis ay kinalimutan daw niya ang dating lifestyle at nagpaka-behave talaga siya.

“Kung ano ang lifestyle mo noon, talagang tinalikuran mo, wala kang bisyo, wala kang alak, wala kang puyat, ganyan. Yoga ka nang yoga, malapit na ‘kong maging yogi (tawag sa mga taong expert sa yoga), ’di ba?” sabay-tawa.

Pero wala pa rin daw nangyari kaya sey na lang niya sa sarili, “Okay lang ‘yan” at baka raw kailangan muna niyang mag-relax.

Pero nito ngang January, 2022 ay bigla na lang na-delay ang menstruation niya. At ‘yun na nga, nang mag-pregnancy test siya ay nag-positive na ito.

Ganu’n na lang ang pagkagulat niya at halos hindi siya talaga makapaniwala. Siyempre ay masayang-masaya siya.

Sa ngayon medyo malaki na nga ang baby bump ng aktres at sobrang excited na siya na maging isang ganap na ina. Ipina-“preview” na rin ng aktres sa social media ang ipinagawang nursery na may temang “under the sea” para sa magiging panganay.

Ang caption niya sa Instagram reel, “Slowly but surely,” na kinomentan naman ng showbiz friends niya gaya ni Judy Ann Santos ng, “Ayan na!!! Ang cute!!!”

Sey nga niya, napakatagal na niya itong hihihintay at ang pagkakaron ng sariling pamilya talaga ang matagal na niyang pangarap.

BALIK-TAMBALAN

Matapos magkasama sa BL movie na Unlocked, balik-tambalan ang mga aktor na sina Oliver Aquino at Migs Almendras sa proyektong Memories of a Love Story under Viva Films mula sa direksyon ni Jay Altarejos.

Isa nga ito sa mga dahilan kung bakit nila tinanggap ang pelikula aside from the fact na nakatrabaho na nila si Direk Jay.

“I think, may comfortability na ako kahit paano with Olivier din,” sey ni Migs.

Ayon naman kay Oliver na napakaraming beses nang nakatrabaho si Direk Jay, talagang hindi niya kayang tanggihan ang direktor.

“Parang nakakahiya na rin pong tumanggi kay Direk sa sobrang dami niyang naitulong sa akin at naituro sa pag-arte, sa lahat ng bagay, sa buhay, sa mga naituro niya sa akin.

“’Pag si Direk, wala na, eh. Parang ‘sige po, direk.’ ’Pag sinabi niyang ‘gawin mo ‘to,’ ginagawa ko na lang. May tiwala na rin ako sa kanya. Hindi naman niya ako ipapahamak,” sabi ni Oliver.

Bagama’t maraming beses na rin siyang nakagawa ng BL movies, bawat role na ginagampanan niya ay may challenge pa rin daw sa kanya.

“Tulad dito sa movie na ito where I play Eric. Kailangan makagawa ako ng sarili kong interpretation ng karakter. Ano bang klaseng tao si Eric? Kapag may nabuo na akong image ni Eric based sa nabasa ko sa script then saka ako papasok sa karakter niya,

“Kailangang makilala ko kung anong klaseng karakter si Eric bago ko siya magawa. Kaya sa tulong ni Direk Jay, mabubuo ko ito,” sey ng aktor.

AUTHOR PROFILE