Tulfo

NPC nagpahayag ng buong suporta kay Cong. Tulfo

December 22, 2024 People's Tonight 213 views

Huwag ng gawing testigo media sa droga

BUO ang suporta ng National Press Club (NPC) sa naging panawagan ni House Deputy Majority leader Rep. Erwin Tulfo, ng ACT-CIS Partylist, na humihikayat sa Senado na maghain ng panukala upang matanggal na ang media sa mga testigo sa mga drug related cases, bilang bahagi ng inventory team.

Ayon sa pangulo ng NPC na si Leonel Abasola, napapanahon nang maamiyendahan ang naturang batas dahil na rin sa panganib na hatid nito sa mga media personnels, gayundin sa dalang hassle nito sa kanila dahil sa pagdalo sa mga pagdinig.

Anang NPC president, “Napapanahon na po na maamiyendahan ito dahil na rin sa nalalagay sa panganib ang buhay ng media.”

Tiniyak naman ni Abasola na tinalakay na ng NPC at iba pang stakeholders ang naturang isyu sa isang consultative meeting sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS).

Samantala, nagpahayag naman si Cong. Erwin ng pasasalamat sa NPC dahil sa kanilang suporta at sinabing, “Nagpapasalamat po ako sa NPC dahil suportado nila ang aking panawagan na huwag nang isama o gawing testigo ang mga mamamahayag sa operasyon ng droga dahil nanganganib po ang buhay ng mga dati kong kasama sa hanapbuhay.”

Matatandaang bagamat aprubado na ng Kamara ang pag-amiyenda sa Section 21 ng Republic Act 9165, wala pa namang naihahaing ganitong panukala ang Senado.

AUTHOR PROFILE