WHAT'S NEW

SEE ALL
Default Thumbnail

NPA patay, 6 high-powered firearms nakumpiska sa engkwentro sa NegOcc

March 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 225 views

APAT na miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi habang anim na matataas na kalibre ng baril ang nakumpiska matapos ang ilang minutong bakbakan sa pagitan ng militar nitong Miyerkules sa Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental.

Ito ang kinumpirma ni Lt.Col. Vicel Jan C. Garsuta, officer in charge ng 3rd Division Public Affairs Office (PAO).

Aniya, nakatanggap ng ulat ang tropa ng militar kaugnay ng presensiya ng mga rebelde sa lugar kung kaya’t agad silang rumesponde.

Pagdating sa lugar agad silang sinalubong ng bala ng mga rebelde dahilan upang gumanti ng putok ang mga sunsadalo na nauwi sa bakbakan.

Ang bakbakan ay tumagal ng 20-minuto na ikinasawi ng apat na rebelde at pagkakakumpiska mg dalawang M16 rifles na may M203, dalawang AK 47, apat na M203 grenaxe launcher ammunition, apat na bandoliers, isang hand grenade, dalaa g mahabang M16 magazinsz, dalawang maiklimg M16 magazines, anim na AK47 magazines, isang uncerviceable AK47 magazine, siya, na backpacks, isang compass, dalawa g flashlights,miba’t ibang bala, gamot, pagkain at mga subersibong dokumento.

Pinuri naman ni newly appointed 3rd Infantry Division (ID) commander Bgen Marion R. Sison ang pakikipagtulungan mg 49IB sa mga residente sa lugar na dahilanupang maging matagumpay ang kampanya ng militar laban sa rebeldeng grupo.

Muli ay hinimok din ni Sison ang iba pang miyembro ng NPA na magbalik loob sa gobyerno upang maiwasang sapitin ang sinapit ng kanilang mga leader na napatay lamang sa engkwentro.

“We will not allow you to continue harming our people. Expect relentless and intensified military operations in the coming days and weeks, for we are determined to protect Negrenses from your atrocities. Despite this, we are still offering you peace to start a new life with your family, but if you insist on doing terrorism, we can be your worst nightmare,” pahayag ni Sison.