Default Thumbnail

NPA patay, 2 sundalo sugatan sa engkwentro

May 6, 2023 Zaida I. Delos Reyes 163 views

PATAY ang isang miyembro diumano ng New People’s Army (NPA) habang sugatan naman ang dalawang sundalo sa engkwentro ang dalawang panig sa Himamaylan, Negros Occidental.

Hindi naman pinangalanan ang nasawing rebelde.

Sinabi ni. Lt Col. Vicel Jan Garsuta, spokesperson ng Philippine Army’s Infantry Division (ID), naganap ang bakbakan dakong 4:55 (Mayo 3) ng hapon sa Sitio Ulo-Tuburan, Barangay Buenavista.

Nagsasagawa umano ng combat security operations ang tropa ng Army’s 94th Infantry Battalion (IB) sa lugar matapos na makatanggap ng reklamo mula sa mga residente hinggil sa umano’y presensiya ng 15 rebelde na “nangongotong” umano sa kanilang komunidad.

Tumagal ng 20-minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkasawi ng isang rebelde at pagkasugat ng dalawang sundalo.

“The firefight that ensued for about 20 minutes resulted in the death of an unidentified NPA and a seizure of an M653 rifle. Two operating troops were slightly wounded during the encounter but are now in stable condition,” ayon sa opisyal.

Ang nasabing mga rebelde ay mula sa Central Negros 2, Komiteng Rehiyon ng NPA rebels na nag-o-operate sa Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ni 3rd ID Commander Major Gen. Marion Sison ang pagiging vigilante ng mga residente laban sa karahasan diumano ng mga rebelde at sa maagap nitong pagrereport sa tropa ng mga sundalo.

“This encounter is another strong affirmation that ending decades-long insurgency is everybody’s business. We have prevented the NPA’s terroristic activities due to people’s support and cooperation. Their courage in speaking the truth against these communist terrorists is also our motivation to fulfill their earnest desire for a peaceful and developed community,” pahayag ni Sison.

Hinikayat din ng opisyal ang mga nalalabi pang rebelde sa kabundukan na magsisuko.