NPA hahalo sa rally ni Leni

April 22, 2022 Lee Ann P. Ducusin 444 views

Pangamba ng mga otoridad

NAKA-ALERTO ang buong intelligence community ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) dahil sa posibilidad na mahaluan na naman ng teroristang grupong New People’s Army (NPA) at lumikha sila ng kaguluhan sa gaganaping rally ni Leni Robredo sa Pasay City ngayong Sabado.

“Alam naman natin na walang ibang hangad ang mga terorista kundi maghasik ng lagim at kaguluhan, upang lumikha ng takot sa isip ng mga mamamayan. Kaya hindi malayo na samantalahin nila ang pagtitipon ng maraming tao para gawin nila ang paghahasik ng kaguluhan,” sabi ni Ian na isang military intelligence officer.

“Wala naman talagang hangad ang mga iyan kundi i-take over ang gobyerno kahit sa paanong paraan at mga traydor din iyan kaya walang kwenta sa kanila ang usapan ng alyansa at koalisyon, dahil sa huli ang ultimate objective nila ay agawin ang kapangyarihan sa lehitimong pamahalaan,” dagdag pa ni Ian.

Kasabay nito, naglabas ng babala ang kapulisan sa lahat na mag-ingat dahil mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagkumpirma kamakailan sa pakikipag-alyansa ni Robredo sa mga teroristang NPA.

Kung matatandaan, unang nabisto na pinapasok na ng mga teroristang NPA ang Robredo rally nang mangampanya ang kampon ng dilawan sa Trece Martires City, Cavite.

Kahit si Senador Ping Lacson na isa sa naging pinakamagaling na PNP chief ay nagpahayag na ang Cavite rally ni Robredo ay nahaluhan ng mga taong “tagalabas.”

Ngayong Sabado ay inaasahan ang pagdagsa ng mga dilawan supporters sa kanilang Pasay City concert rally na gaganapin sa Macapagal Boulevard.

Isasabay ang kanilang kampanya sa kaarawan ni Robredo.

May natanggap nang impormasyon ang intel community na bukod sa pagsabak sa rally ni Robredo ay pinapalakas na rin ang puwersa ng mga teroristang grupo para makapag-solicit ng “revolutionary tax” sa mga kanayunan.

Ilan naman sa mga tagasuporta ni Robredo ay hayagan na ring nagso-solicit ngayon sa ilang indibiduwal at negosyante.

Ang tingin ng ilang intel officers dito, iyong ibang naso-solicit ng mga dilawan ay pinangpo-pondo na rin sa mga teroristang NPA.

Nauna nang napaulat ang pagbabanta ni Robredo na magkakagulo sakaling matalo siya sa May 9 elections.

AUTHOR PROFILE