NPA di umubra sa Tarlac

April 3, 2022 Lee Ann P. Ducusin 142 views

Mga Tarlakenyo dumagsa pa rin sa BBM campaign rally

IBINUNYAG ng intelligence community ng Tarlac PNP na ilang grupo ng teroristang New People’s Army (NPA) ang kumilos umanosa probinsya para magtangkang manakot at pigilan ang mga Tarlakenyo na dumalo sa campaign rally ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Sabado.

Pero hindi umubra sa mga Tarlakenyo ang tangkang pananakot ng mga teroristang grupo dahil dinagsa pa rin ng daang libong mga taga-suporta ng BBM-Sara UniTeam ang kanilang campaign sortie sa Tarlac City, Capaz at Paniqui.

Maging ang mga caravan ay dinumog at dinagsa ng mga taga-suporta.

“Namonitor namin na may mga miyembro ng NPA ang kumilos sa lugar para manakot at pigilan ang mga tao na dumalo sa kampanya ni BBM,” ayon sa isang intelligence officer.

“Pero mukang hindi umubra kasi sa dami ng dumalo sa mga rally dito sa Tarlac mukhang hindi ito tumalab sa mga residente,” dagdag pa ng opisyal.

Matatandaan na mismong ang pamahalaan ang nagkumpirma na nakikialam ang NPA sa paparating na halalan matapos nilang makumpirma ang pakikipag-alyansa ng mga ito sa kampo ni Leni Robredo.

Maging ang presidential candidate na si Sen. Ping Lacson kinumpirma rin ang pakikipag-alyansa ni Leni sa teroristang grupo.

Nabunyag din na dumadalo ang mga miyembro ng NPA sa ilang mga campaign rally ni Robredo.

Sinabi ng intelligence officer, gustong pigilan ang mga residente na dumalo sa rally ni Marcos sa Tarlac na kilalang balwarte ng mga Aquino o dilawan.

“Mukhang ayaw nilang mapahiya kay Leni kaya gusto nilang pigilan ang mga residente na sumama sa rally,” anang opisyal.

AUTHOR PROFILE