Memo

November 4 idineklarang National Day of Mourning

November 2, 2024 Chona Yu 281 views

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Nobyembre 4, 2024 bilang National Day of Mourning.

Ito ay para sa mga biktima ng bagyong Kristine\

Base sa Proclamation No. 728, inaatasan ang lahat ng establisyemento na may bandila na ilagay ito sa half mast.

Hinihikayat din ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga biktimang naapektuhan ng kalamidad.

Nilagdaan ang proklamasyon ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 30, 2024.

Sa datos na nakapaloob sa inilabas na proklanasyon ay umaabot sa mahigit 1.7 milyong pamilya ang naapektuhan.ng bagyong Krisitne.

Nasa mahigit 100 katao ang naiulat na nasawi dahil sa bagyo.

AUTHOR PROFILE