Medina

Novaliches MWP timbog

February 13, 2022 Melnie Ragasa-limena 417 views

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Remus Medina na natunton ang Top 7 at 8 Most Wanted Person ng Novaliches Police Station (PS 4) na may kasong pagnanakaw na nakapiit na sa Bilibid sa Muntinlupa City.

Batay sa ulat ng PS 4 sa pamumuno ni PLTCol. Richard Ian Ang, ang mga wanted ay nakilalang sina Jeffrey Yanong, 26, ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City, at Noriel Torino Noriel, alias “Noriel Nicanor”, 25, ng Brgy. Capri, Novaliches, QC.

Ang mga suspek ay natunton ng ng mga pulis dakong alas-5:30 ng hapon sa loob ng Bureau of Prisons, na matatagpuan sa Camp Sampaguita, New Bilibid Prison Reservation, Muntinlupa City.

Sila ay may mga kasong paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (Robbery) at Illegal Possession of Firearm and Explosives. na inilabas ni Judge Rueben Ritzuko T. Veradio, ng Branch 11, Regional Trial Court (RTC) ng Malolos, Bulacan. Wala namang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanilang pansamantalang paglaya.

“Makakaasa ang ating mamamayan sa Lungsod Quezon na sisikapin naming madakip, mailagay sa aming kustodiya, at maipresenta sa korte ang sinumang pinaghahanap ng ating batas dahil sa pagkakasala o paglabag nila,” pahayag ng QCPD chief.