Default Thumbnail

NOTAM inilabas sa gitna ng N. Korea satellite launch

May 30, 2023 Jun I. Legaspi 214 views

AGAD nagpalabas ng “Notice to Airmen” (NOTAM) ang Civil Aviation of the Philippines (CAAP) bilang “precautionary measure” sa satellite launch ng North Korea, ayon sa awtoridad.

Ayon kay Eric Apolonio, spokesperson ng CAAP, ang NOTAM ay bilang paalaala sa mga commercial pilots na iwasan ang mga airspace na posibleng maapektuhan sa paglulunsad ng nasabing satellite launch.

Ayon pa sa NOTAM B1862/23, ang Korean activity ay magsisimula bandang 8:00 a.m. Miyerkules hanggang 7:59 a.m ng Hunyo 11, 2023.

Ang pag-isyu ng NOTAM ay kinumpirma ni Apolonio.

Ayon kay Apolonio, dapat ang lahat ng mga commercial airlines at mga piloto ay magsagawa ng safety precautions.

“Alam ng mga pilots at commercial airlines ang aviation safety protocol kaya inisyu ang (NOTAM),” saad ni Apolonio.

AUTHOR PROFILE