KWF

Nora Aunor, KWF Kampeon ng Wika 2021

October 29, 2021 People's Tonight 239 views

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino ng Kampeon ng Wika 2021 si Nora C. Villamayoraka Nora Aunor dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa larang ng pelikulang Pilipino nasumalamin sa búhay ng mga mamamayang Pilipino.

Siyá ay isang batikang artista, mang-aawit, prodyuser, at nakatanggap ng iba’t ibang parangalmula FAMAS Award, Gawad Urian Award, Metro Manila Film Festival, Luna Awards, GawadTanglaw, at iba pa.

Kinilála sa bansa at international community ang kaniyang mga pelikulang: All Over The World; Guy and Pip; Lollipops and Roses; My Blue Hawaii; And God Smiled At Me; Carmela; Fe, Esperanza, Caridad; Erap Is My Guy; Super Gee; Banaue; Niño Valiente; Tatlong Taóng WalangDiyos; Minsa’y Isang Gamu-Gamo; Kaming Matatapang Ang Apog; Bakekang; Little Christmas Tree; Pag-ibig Ko’y Awitin Mo; Atsay; Ikaw Ay Akin; Huwag Hamakin: Hostess; Mahal Mo, Mahal Ko; Ina Ka ng Anak Mo; Annie Batungbakal; Bona; Kastilyong Buhangin; Himala; Till We Meet Again; I Love You Mama, I Love You Papa; Halimaw; Penoy Balut; Bilangin AngBituin Sa Langit; Andrea, Paano Ba Maging Isang Ina?; Ang Totoong Búhay ni Pacita M; The Flor Contemplacion Story; Babae; Naglalayag; Thy Womb; Ang Kuwento Ni Mabuti; Dementia; Kinabukasan; Padre De Pamilya; Taklub; Hinulid; at Tuos.

Kikilalanin din ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika bílangKampeon ng Wika dahil sa adbokasiya na nagpapahalaga sa wikang Filipino at panitikan.

AngTanggol Wika ay may halos 800 rehistradong kasapi na binubuo ng alagad ng wika, edukador, mananaliksik, at mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa.

Tuloy-tuloy na isinasabalikat ng Tanggol Wika ang pag-aambag sa adbokasiyang pangwika sapamamagitan ng pagsasagawa ng mga interdisiplinari/multidisiplinaring lektura, forum, webinar, atbp. sa wikang Filipino; paglo-lobby sa mga ahensiya ng gobyerno at sangay lehislatibo pára samga adbokasiyang pangwika (mula MTB-MLE sa DepEd hanggang sa pagpapabalik ngasignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo); pagbubuo ng mga makabuluhang materyal napanturo sa wikang Filipino at sa ibang larangang maituturo sa wikang Filipino gaya ngKasaysayan, Araling Pangkultura, atbp.; at pagtataguyod ng mga makabuluhang repormangsosyo-ekonomiko sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng Filipino sa mga napapanahongpahayag, praymer, atbp.

Magaganap ang makasaysayang araw na ito sa 9 Nobyembre 2021, ganap na 10:00 NU—12:00 NT SA Legazpi Ballroom Makati Diamond Residences, Brgy. San Lorenzo, Legazpi Village, Lungsod Makati at naka-live stream sa Live sa www.facebook.com/komfilgov

AUTHOR PROFILE