Nominal toll fee hike kinumpirma

May 17, 2021 Jun I. Legaspi 61 views

KINUMPIRMA ng Toll Regulatory Board (TRB) na binigyan na nito ng authority ang North Luzon Expressway (NLEX) management na mangulekta ng nominal 2-3% toll fee increase simula Martes (May 18,2021).

Sa text messages ni Julius Corpus, spokesperson ng agency, sinabi nito oras na maipatupad ang increase, ang dating P58 sa entry point ay magiging P60 at end to end na dating P266 ay P272 00 para sa mga light vehicles o class A.

Parasa mga bus, ang dating P146 sa entry ay P149 at ang end to end na dating P665 ay P679 na.

Para mga truck, ang dating entry point na P175 ay P179 na at ang end to end na P799 ay P815 na.

Ayon pa kay Corpus, ito ang 3rd tranche ng regular adjustment na napagkasunduan noong pang 2013-15, subalit ipinatupad sa staggered basis.

Paliwanaf ni Corpus naipinatupad ang staggered basis upang hindi maging mabigat sa mga motorists na dumaraan sa NLEX.

AUTHOR PROFILE