Noel

Noel, ‘last hurrah’ na ang 2022 MMFF entry

December 9, 2022 Vinia Vivar 125 views

At 81, kayang-kaya pang umarte ng veteran actor na si Noel Trinidad. Kitang-kita ito sa trailer ng Metro Manila Film Festival 2022 entry na Family Matters na pinagbibidahan nila ni Liza Lorena.

Pero aminado si Noel nahirapan na rin siya while doing the film dahil may hearing problem siya.

“This is one of the difficulties I had while we were shooting. Naging running joke na nga, eh, kasi the director would come to us and explain. Tapos pagkatalikod niya, sasabihin ko ‘ano raw?’” pahayag ni Noel sa media conference ng Family Matters last Wednesday night.

Kapansin-pansin nga na inuulit sa kanya ng kanyang co-stars ang tanong ng press dahil hindi niya gaanong naririnig. At inihingi niya ito ng paumanhin.

Sa shooting ay tinutulungan din siya ng co-stars kaya labis ang pasasalamat niya sa mga ito.

“It was frustrating for me but at the same time, doon mo makikita ang samahan namin. They were patient with me and helpful. We love one another. We had fun doing it, in spite of my hearing problem, because of these guys,” he said.

Because of his hearing problem, naniniwala ang veteran actor na “last hurrah” na niya ang Family Matters.

“Palagay ko magtatagal pa naman ako nang konti. I always say ito na siguro ang last hurrah for me. One reason is my hearing problem. If this will be my last hurrah, this will be a terrific honor to have this as my last hurrah,” saad ni Noel.

Ang Family Matters ay kwento mag-asawang may edad na sina Francisco at Eleanor, at ang kanilang mga anak.

Mula sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario, tampok din sa pelikula sina Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, James Blanco, Nikki Valdez, JC Santos, Ana Luna, Ina Feleo, Ketchup Eusebio, Roxanne Guinoo at introducing si Ian Pangilinan.

Showing na ang Family Matters sa mga sinehan sa Dec. 25.

AUTHOR PROFILE