Department of Transportation

No vax, no sakay policy umpisa na

January 16, 2022 People's Tonight 162 views

IPATUTUPAD na ng Department of Transportation (DOTr) sa Lunes (January 17,2022) ang policy na bawal ang hindi bakunado makasakay ng public transport.

Maraming sector ang hindi pumabor dito dahil ito raw ay isang pagdiskriminate sa hindi vaccinated. Pabor naman dito ang ilang health experts para na rin daw sa kaligtasan ng hindi bakunado.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), “hinihikayat natin ang lahat na magpabakuna para sa kanilang proteksyon laban sa COVID at ano mang mutation nito. Pero sinusuri din ng (LCSP) ang policy kung ito ba ay maipatutupad ng maayos at hindi magdudulot lamang ng kalituhan.”

Paliwanag ni Inton ang mismong policy ay hindi “ABSOLUTE.” May mga exemptions sa no vax no ride policy. Exempted dito ay ang mga tao na hindi bakunado dahil sa medical reasons.

May mga tao kasi na hindi puede bakunahan dahil sa health or medical condition. Kailangan nila makapagpakita ng medical certificate.

Pero ang pangalawang exemption ang malawak. Puede pa rin makasakay sa public transport ang hindi bakunado kung ang biyahe niya ay bibili ng nga essential na bagay tulad ng pagkain o gamot. Kailangan ang barangay certificate para pagpapatunay yun. Heto ang dapat na alam ng mga driver, kundoktor o enforcer.

Kung wala syang vaccine card at bibili ng gamot puede siya sa public transport. Panawagan ng LCSP sa mga barangay officials na maging patas dito. May mga tanong din kung puede ang screenshot picture ng vaccine card ipakita.

May agamagam rin ang LCSP sa parusang ipapataw sa mga operator at driver na lalabag dito. Maari daw matanggal ang prangkisa. Abay hinayhinay po. Libolibo ang pasahero at babat sakay ang mga ito.

“Meron at meroon makalulusot na walang dalang vaccine card kahit panay ang paalala ng mga driver. Kung mahulihan ito ng minsan tanggal prangkisa ba agad? Abay konti na nga ang masasakyan ngayoon mababawasan pa. Maghahari ang colorum sa ganitong sitwasyon!,” ani Inton.

AUTHOR PROFILE