Angelica Larawan mula sa IG/Angelica Hart

No makeup, wet look na nakakatigalgal

April 3, 2024 People's Tonight 88 views

NATIGALGAL ang social media followers ng Vivamax actress na si Angelica Hart matapos niyang ipangalandakan ang kanyang sex appeal.

Sa isang Instagram post ng sexy star, petmalu ang pagbabandera niya ng kanyang magandang katawan.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ang ubod sa kakinisang si Angelica sa suot niyang knitted two-piece swimwear habang nakalublob sa swimming pool.

Mula sa kanyang mukha, kilikili, at sa lahat ng kasingit-singitan, walang bahid na anong kadiliman ang katawan ng hot actress.

“Face card will never decline” nga ang atake ng ganda ni Angelica. Effortless niyang ibinida ang no makeup at kaakit-akit na wet look.

Grabe rin kung makatitig ang bebot, kahit na sinong barako ay paniguradong sapul ang atensyon kapag napadaan sa kanyang mga larawan.

Maging ang kapwa niya sexy star na si Robb Guinto ay hanga rin sa alindog ni Angelica.

“Ganda mo,” hirit ni Robb sa comment section.

Pati ang netizens ay nauga sa mala-lindol na lakas ng karisma ni Angelica, kaya naman pinusuan nila at binaha ng papuri ang nasabing post.

Nakilala si Angelica sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Sip (2023), Bisyo! (2023) at Secret Campus (2023).

AUTHOR PROFILE