Yen Larawan mula sa IG/Yen Durano

No butts about it

November 18, 2024 People's Tonight 83 views

SUNSETS just got hotter”

Isa nga lang ‘yan sa mga banat ng netizens sa Vivamax singer-actress na si Yen Durano matapos nitong pakawalan ang takip-silim ng kanyang hotness.

Sa paglubog ng araw, lumutang ang bilugan at nagliliwanag na wetpaks ng sexy star sa larawang ibinahagi nito sa Instagram.

Dedma na nga sa magandang view ng sunset ang mga male fans niya dahil ang pokus nila ay sa magandang katawan ng hot actress.

Humarap man o tumalikod, may tambok na kayang ipagmalaki si Yen. Pero hindi lang ang mga nabanggit ang blessings na meron siya, biyaya rin sa mga kelot ang perpektong hubog ng kanyang katawan.

Mapapanganga ang lahat sa kanya dahil sa taglay na kurba, lalong-lalo na sa suot niyang two-piece string bikini sa nasabing post.

Walang duda, totoong-totoo ang bangis ng pagkababae niya dahil naalog ang sangkalalakihan sa patakam niyang ito.

“She’s breaking the internet” ang sigaw ng kanyang social media followers sa comment section. Pinusuan nila ang kabogerang yumminess overload ni Yen sa larawan.

Bukod pa sa mga bago nitong proyekto, nakilala rin si Yen sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Litsoneras (2023), Baby Boy, Baby Girl (2023) at Patikim-Tikim (2023).

Ang character actor na si DJ Durano ang ama ni Yen.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar