Default Thumbnail

No. 5 MWP sa ‘attempted murder’ kalaboso

February 1, 2023 Jonjon Reyes 566 views

UMABOT ng walong taong ang pagtatago sa batas ang isang 29-anyos na binata na nakatala bilang no. 5 most wanted person (MWP) sa kasong “attempted murder” matapos itong mamataan sa Sta. Cruz, Maynila Martes ng hapon.

Ang naarestong suspek ay may alyas na “Arnie,” binata, tambay, at nanunuluyan sa Carba Building, Sampaloc, Maynila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Col. Roberto Mupas, commander ng Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station (PS) 14, pasado alas 3:15 ng hapon (Enero 31), nang masabat ang suspek sa Claro M. Recto Avenue, Sta. Cruz ng mga operatiba ng MPD.

Iniatas ni Mupas kay P/Capt. Captain Laureano Larry Daligdig ng Station Warrant Section ang agarang pagdakip sa suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Jansen Rodriguez ng Regional Trial Court (RTC) Branch 6 na may petsang Agosto 14, 2015 dahil sa nasabing kaso na may piyansang P120,000.

Ayon kay Mupas “Walang puwang ang mga masasamang loob at wanted sa batas sa lungsod ng Maynila.”

Dagdag pa niya, alinsunod rin sa direktiba ni MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon na paigtingin ang “Oplan Galugad” at ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at “Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions” (SAFE) ni National Capital Region Police Office (NCRPO) P/Maj. Gen. Jonnel Estomo.

AUTHOR PROFILE