Default Thumbnail

No. 2 MWP timbog sa harap ng MCH

November 22, 2021 Francis Naguit 284 views

BINITBIT ng mga operatiba ng Manila Police District – Station 8 ang isang lalaki na No. 2 most wanted person ng mga otoridad makaraang arestuhin sa bisa ng arrest warrant sa harapan ng Manila City Hall sa Ermita, Manila, iniulat ng pulisya.

Nakilala ang suspek na si Jayson William Betonio, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat ni P/ Major Virgilio Platon Jr., ng Warrant Intelligence Section ng MPD – Sta.Mesa Police Station 8 , dshil sa tip ng isang asset ay natunton nila ang suspek sa harap ng MCH bandang 12:30 p.m.

Agad nilang ipinakita ang warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong sexual assault o violation ng ng Par .2 266 – A na inamiyendahan sa Section 5 ng Republic Act 7610 at kasong panggagahasa , under Article 266-A -1 ng Art 266 – B ng Revised Penal Code.

Si Betonio ay nasa number 2 most wanted person sa Sta Mesa, Manila. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE