Default Thumbnail

No.2 ‘most wanted drug dealer’ sa Zambo Peninsula arestado

December 21, 2022 Zaida I. Delos Reyes 243 views

NAARESTO ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 9 ang ikalawa umanong most wanted drug dealer sa Zamboanga Peninsula sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Zamboanga City.

Kinilala ni Zamboanga City Police Director Col. Alexander Lorenzo ang naaresto na si Mikel Gregorio, 35, residente ng lalawigan.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, si Gregorio ay naaresto nitong Martes ng hapon sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Mercedes.

Ayon sa ulat, naaktuhan ang suspect na nagbebenta umano ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000 sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa suspect ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga nv P40,800, isang sling bag, boodle money at isang wallet.

Ang suspect ay nakakulong sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.